Taxi drivers at operators sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng opisina ng LTFRB

by Radyo La Verdad | March 16, 2016 (Wednesday) | 2697

MACKY_PROTESTA
Nasa tatlong libong taxi drivers at operators ang nakilahok sa isinagawang kilos protesta sa harap ng opisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Quezon City kaninang umaga.

Mariin nilang tinututulan ang desisyon ng LTFRB na bawasan ng sampung piso ang flag downrate sa taxi.

Sa loob ng 24 oras anyang pamamasada ay nasa P1000 ang mawawala sa kita ng driver dahil sa bagong fare rate.

Ayon kay Stop and Go Coalition President Jun Magno, hindi dapat ibaba ng LTFRB ang pasahe sa taxi dahil papatayin nito ang kabuhayan ng mga taxi driver.

Bumaba anya ang presyo ng produktong petrolyo subalit mataas pa rin ang presyo ng mga bilihin pati ang bayad sa kuryente at tubig.

Nagdulot naman ng pagsikip ng daloy ng trapiko ang isinagawang kilos protesta kaninang umaga.

Sa March 19 na ipatutupad ang P30 na flag down rate subalit hiling ng mga taxi drivers at operators na wag ituloy ng LTFRB ang P10 reduction sa flag down rate ng taxi.

(Macky Libradilla / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , , ,