Tatlo hanggang anim na buwang palugit sa pagsugpo sa illegal drugs at krimen, kakayanin ng PNP Drug Operatives

by Radyo La Verdad | May 27, 2016 (Friday) | 3072

Csupt.-Ronald-Dela-Rosa
Nagpahayag na ng malawakang reshuffle si President-Elect Rodrigo Duterte sa hanay ng mga pulis na hindi nagtatrabaho ng maayos upangwakasan ang problema sa krimen at ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa tagapagsalita ng PNP, may kapangayarihan naman ang pangulo na gawin ang ano mang bagay na sa tingin nya ay makatutulong sa kanyang pamumuno.

Kaya namansi incoming PNP Chief PCSupt. Ronald dela Rosa desididong wakasan ang problema sa krimen at droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan sa pag-upo nya sa pwesto.

Kaya naman ang mga operatiba na kinabibilangan ng PNP Anti Illegal Drugs Group at Criminal Investigation and Detection Group handang doblehin ang pagtatrabaho para matugunan ang nais ng bagong uupo pangulo.

Ayon naman kay AIDG Chief of Staff PSSupt. Leonardo Suan, handa nilang tulungan ang mga local police sa operasyon laban sa ilegal na droga sa barangay level bukod pa sa mga high value target na mandato sa kanila.

Maging ang CIDG ay handa ring gawin kahit ang Oplan Tukhang na nais ipatupad ni Dela Rosa kung saan kinakatok ang bahay ng mga pinaghihinalaang drug personalities upang pakiusapan na huminto na o umalis na lamang sa lugar.

Hiling na lamang ng PNP operatives sa bagong uupong pangulo at Chief PNP, suportahan sila sa kanilang mga operasyon lalo nasa mobility at dagdag intelligence funds upang makagalaw sila nang maayos laban sa mga big time drug lord.

(Lea Ylagan/UNTV NEWS)

Tags: ,