METRO MANILA – Nagbigay na ng direktiba si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa Task Force El Niño ng pamahalaan na maghanda na sa paparating ng La Niña.
Ayon sa State Bureau PAGASA, ang bansa ay kasalukuyang nasa weak El Niño at posible itong tumagal hanggang sa katapusan ng Hunyo.
Dagdag ng PAGASA, maaring ma-develop ang La Niña sa mga darating na buwan.
Hinikayat naman ni Presidential Communications Assistant Secretary Joey Villarama, tagapagsalita ng Task Force El Niño, na patuloy na maging matalino sa paggamit ng tubig, kuryente at maging sa pagkain hanggang sa opisyal nang inanunsyo ang pagtatapos ng El Niño.
Tags: El Nino, Task force