Taiwan, posibleng makaranas ng magnitude 8 na lindol sa susunod na 10 taon

by Radyo La Verdad | February 7, 2018 (Wednesday) | 6819

Matapos ang 6.4 na lindol na naranasan sa Hualien noong Lunes, isang geologist mula sa National Central University ang nagsabi na posible ngang makaranas na ng magnitude 8 na lindol ang Taiwan sa hinaharap na sampung taon.

Mula February 4, Linggo, hanggang Feb. 5 o Lunes ay nakapagtala ng 71 earthquakes sa Hualien pa lamang. 12 earthquakes sa isang oras at ang pinakamalakas ay magnitude 5.8.

Ayon kay Professor Lee Chyi-Tyi, isang geology professor, ibig sabihin nito ay nasa 100 year earthquake cycle na ang Taiwan.

Sinabi rin niya ang mga nakaraang malakas na lindol gaya noong 1910 na magnitude 8.3 sa Yilan at noong 1920 naman na 8.3 rin sa Hualien. Naabot na ng bansa ang centennial ng 1910 earthquake, at dalawang taon na lang ay mag-iisandaang taon na rin iyong 1920 earthquake.

Dagdag pa niya, base sa pagsusuri ay nagmula ang mga serye ng pagyanig sa isang rupture zone sa pagitan ng Philippine Sea Plate at Eurasian Plate.

Ang mga plates daw na ito ay nakaabot na ng 100 year cycle kaya posibleng maulit muli ang nangyaring malakas na lindol, isandaang taon na ang nakakaraan.

 

( Amiel Pascual / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,