Iniwang pinsala sa pangingisda ng 6.8 magnitude na lindol sa Sarangani, pumalo sa P2.8-M

by Radyo La Verdad | November 24, 2023 (Friday) | 2713

METRO MANILA – Tinatayang aabot sa P2.08-M na halaga ang iniwang pinsala sa pangingisda ng magnitude 6.8 na lindol na yumanig sa Sarangani, Davao Oriental nitong ika-17 ng Nobyembre, batay sa ulat ng Department of Agriculture (DA).

Kabilang rito ang 44 na nasirang mga bangka at iba pang gamit sa pangingisda at bukod dito wala namang naitalang pinsala sa agrikultura at mga gusali na makahahadlang sa food supply system.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan, maging national government at iba pang mga Disaster Risk Reduction and Management-related offices hinggil sa posibleng mga epekto ng lindol at pangangailangan ng mga apektado.

Matatandaang tumama ang naturang lindol bandang 4:14PM na may 72km depth.

(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)

Tags: ,