Tagline ng UNTV na “Tulong muna bago balita” nagsilbing gabay sa isang kababayang nangangailangan ng tulong

by Radyo La Verdad | December 1, 2020 (Tuesday) | 5452

METRO MANILA – Isa sa mga na stranded na kababayan natin sa Maynila si nanay Olive Martin. Nagpunta siya ng Maynila para makabalik sa kanyang serbisyo bilang police.

Ayon sa kanya, natanggal siya sa serbisyo matapos masangkot sa kasong illegal logging sa Cagayan. Sa kasamaang palad ay naabutuan siya ng lockdownkaya hindi na nitong nagawang makauwi sa Cagayan Valley.

Nawalan na ng pagasa si nanay Olive na makabalik pa sa kaniyang lugar, ngunit nang makita niya ang sasakyan ng UNTV at ang nakasulat sa sasakyan na “Tulong Muna Bago Balita” ay agad siyang humingi ng tulong sa grupo kahit na may pag-aalinlangan sa kanya.

“Nakita ko pong nakalagay na Tulong Muna Bago Balita, nagbakasakali akong humingi ng tulong,” dagdag pa ni Olive.

Hindi naman ito nabigo dahil agad na umaksyon ang UNTV para matulungan si Olive na makauwi sa Cagayan.

Bumuhos ang tulong kay Olive matapos dumulog ang UNTV sa ilang sector ng pamahalaan para siya ay makauwi.

Nagpadala ng tulong ang DSWD para sa pamasahe nito pauwi sa kanyang probinsya, habang nagboluntaryo naman ang ilang miyembro ng Members Church of God International para kupkupin ito ng ilang araw bago ang nakatakdang araw ng pag-uwi nito. Nagbigay din ng kaunting tulong at relief goods ang Mayor ng Pasay para kay Olive.

Samantala, humingi na rin ang programang Serbisyong Bayanihan para sa agarang aksyon sa PNP para sa reinstatement ni Olive sa kanyang serbisyo bilang pulis.

Maluha-luha si Olive sa isang panayam kanina (Dec. 1, 2020) sa Serbisyong Bayanihan dahil sa wakas ay makakauwi na ito sa kaniyang pamilya at natulungan din ito ng programa upang makabalik sa kanyang sinumpaang tungkulin – ang pagiging isang pulis.

(Syrixpaul Remanes | La Verdad Correspondent)

Tags: