Taas-presyo sa imported products sa Supermarket, dahil sa mababang halaga ng Piso

by Radyo La Verdad | September 21, 2022 (Wednesday) | 5489

METRO MANILA – Patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga imported na bilihin sa mga supermarket.

Ayon kay Steven Cua ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association, ang isang paboritong luncheon meat na galing sa America ay tumaas ng 15% ang presyo o mahigit sa P30 bawat isa.

Paliwanag naman ng ekonomistang si Carlos Manapat, apektado ng pagbaba ng halaga ng piso ang lahat ng mga produktong may imported na materyales o sangkap dahil dolyar ang pambayad dito.

Ilan aniya sa maaaring makapagpataas ng halaga ng piso ay kung tataas ang remittance ng mga OFW at ang export capacity ng Pilipinas.

Makakatulong din aniya kung makakaakit ng mga investor gaya ng paghihikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ibang bansa.

Tags: ,