Taas-kontribusyon sa PhilHealth, depende sa cost-benefit analysis – PBBM

by Radyo La Verdad | February 29, 2024 (Thursday) | 6221

METRO MANILA – Patuloy pang pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang implementasyon ng 5% premium rate increase na kontribusyon sa Philippine Health Insurance corporation (PhilHealth).

Ayon kay Pangulong Marcos , inaaral pa niya ang posibleng mga benepisyo sa premium hike at maaari niya itong suportahan kung ito naman ay magiging makatuwiran lalo na sa mga miyemro ng state insurer.

“What we are trying to determine is that if we are going to increase the contribution from four percent to five percent, anong bawi? It’s really a cause-benefit analysis. And PhilHealth has been expanding its services and trying to reach more people, trying to engage more people. “ani Pres. Ferdinand Marcos Jr.

Tags: