Taktika lamang daw ng pamahalaan ang pagdedeklara ng suspensyon ng klase kahapon upang magalit ang mga tao sa grupo ng mga drayber ayon kay PISTON National President George San Mateo.
Nagtataka ang naturang transport group dahil wala naman silang inorganisa na tigil-pasada ngayong araw.
Subalit ayon sa Malacañang hindi totoo ang mga paratang ni San Mateo sa pamahalaan.
Ayon naman sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), hindi totoo ang sinasabi ni San Mateo na naging matagumpay ang transport strike nila noong Lunes.
Plano namang ituloy ng LTFRB ang pagsasampa ng kaso hindi lamang kay San Mateo, kundi sa iba pang mga jeepney driver na napatunayang sumali sa tigil-pasada.
Simula noong nakaraang taon, tatlong beses ng nakapag-organisa ng tigil-pasada ang grupong PISTON sa buong bansa.
( Mon Jocson / UNTV Correspondent )
Tags: Piston, suspensyon ng klase, taktika