METRO MANILA – Hinimok ni Marikina Representative Stella Quimbo ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa isang resolusyon na kaniyang inihain na ipatupad ang suspensyon ng kontribusyon ng mga minimum wage earner.
Sa pamamagitan nito, ay madadagdagan ng kahit P400 ang sasahurin partikular sa National Capital Region na non-agricultural workers.
Dagdag ni Quimbo, kakayanin ng pondo ng PhilHealth na sagutin ang premium contribution ng mga minimum wage earner nang hindi nakukumpromiso ang financial stability nito.
Sa isang mensahe na ipinaabot ng PhilHealth, sinabing pag-aaralan nila ang panukala ni Quimbo,
At nakahanda silang dumalo sa mga hearing na ipapatawag higgil dito.
Kaisa anila ang government health insurer sa layuning mapabuti ang lagay ng mga pilipino kabilang na ang mga minimum wage earner.
(Gladys Toabi | UNTV News)
Tags: Philhealth