Suspek sa Maguindanao Massacre, ginawang state witness

by monaliza | March 21, 2015 (Saturday) | 1806

IMAGE__100312__UNTV-News__DOJ

Ginawang state witness sa kaso ng malagim na Maguindanao Massacre si dating Datu Salibo, Maguindanao Mayor Akmad Ampatuan.

Ito ang kinumpirma ni Justuce Secretary Leila de Lima dahil mahalaga ang mga testimonya na maaaring ipahayag ni Akmad sa kaso. Isinailalim na rin si Akmad sa Witness Protection Program.

Nauna rito, nagtangka si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao Gov. Zaldy Ampatuan, isa sa mga principal suspect sa kaso, magbigay ng testimonya para sa prosekusyon pero tinanggihan ito ng Department of Justice dahil sa hindi umano ito kwalipikado bilang isang state witness.

Ayon kay De Lima, maghahain ng manifestation at mosyon ang WPP sa Cotabato Regional Trial Court para ipaalam sa korte na isinailalim si Akmad sa proteksyon ng pamahalaan. Kamakailan, naglabas ng warrant of arrest ang Cotabato RTC laban kay Akmad sa kasong arson at murder.

Si Akmad Ampatuan ay malapit na kamag-anak at isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Andal Ampatuan Sr., isa sa mga pangunahing suspek sa Maguindanao Massacre.

Tags: , , , , , , ,