Suspected snatcher sa Cabuyao Laguna, patay sa follow-up operation ng PNP

by Radyo La Verdad | June 7, 2018 (Thursday) | 5807

Dumulog sa Cabuyao police ang biktimang si Joy Nadera matapos umanong sapilitang hablutin ng dalawang lalakeng sakay ng motorsiklo ang kaniyang bag at cellphone habang naglalakad pauwi sa kaniyang apartment sa Brgy. Pulo kagabi.

Agad namang nagsagawa ng follow up at drag net operation ang Laguna police na nagresulta ng pagkamatay ng isa sa mga suspek matapos umano itong makipagpalitan ng putok sa mga otoridad. Nakatakas naman ang isa pang suspek gamit ang motorsiklo.

Tinangka itong habulin ng pulis sakay rin ng motorsiklo ngunit sumemplang ito dahil sa madulas at basang kalsada bunsod ng pag-ulan. Nagtamo ang pulis ng bali sa kanang kamay at galos sa kanang binti.

Nakuha sa hindi pa nakikilalang suspek ang kalibre .38 na baril at mga gamit ng biktima

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

Tags: ,

MECQ with added restrictions, ipatutupad sa NCR, Laguna at Bataan hanggang Sept. 7

by Erika Endraca | August 30, 2021 (Monday) | 45452

METRO MANILA – Mananatili pa rin sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) with added restrictions ang Metro Manila, Laguna, at Bataan hanggang September 7, 2021.

Ibig sabihin mas mahigpit na MECQ pa rin ang iiral sa mga lugar na ito hanggang sa susunod na Martes.

Bawal pa rin ang dine-in services, personal care services at mananatiling virtual ang religious gatherings.

Samantala, MECQ rin sa Apayao, Ilocos Norte, Bulacan, Cavite, Lucena, Rizal, Aklan, Iloilo Province, at lima pang ibang lugar.

“Ang NCR, Bataan at Laguna ay may added restrictions sa dine-in, personal care services at religious activities, bawal pa po ito bagaman nasa mecq na po tayo.” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

Samantala, General Community Quarantine with heightened restrictions naman hanggang September 7 ang Ilocos Sur, Cagayan, Quezon, Batangas, Naga City.

Gayundin ang Antique, Bacolod City, Capiz, Cebu Province, Negros Oriental sa Visayas

At Zamboanga Del Sur, Misamis Oriental, Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao de Oro at butuan city sa mindanao.

Mananatili rin sa general community quarantine hanggang sa susunod na martes ang baguio city, santiago city, quirino, isabela, nueva vizcaya, tarlac, puerto princesa, negros occidental,
Zamboanga Sibugay, Davao Oriental , Davao del Sur, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani at 11 pang lugar.

Habang nasa MGCQ status naman ang nalalabing bahagi ng bansa.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , , , ,

Pamamahagi ng ECQ ayuda, tuloy pa rin kahit MECQ na sa Metro Manila

by Erika Endraca | August 24, 2021 (Tuesday) | 40361

METRO MANILA – Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na tuloy pa rin ang distribusyon ng ayuda sa National Capital Region (NCR), Laguna, at Bataan.

Kaalinsabay ito ng kumakalat na maling impormasyon na hindi na itutuloy ang pagbibigay ng ayuda matapos ibaba sa mas maluwag na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa NCR Plus.

“It’s not true that the Ayuda for NCR Plus will stop because we have shifted to MECQ. That is fake news.” ani DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya.

Samantala, mayroon na lamang hanggang bukas ( August 25) ang bawat LGU para makumpleto ang pagbibigay ng cash assistance.

Nakadepende naman sa sitwasyon kung tatanggapin ng DILG, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Department of National Defense (DND) ang request for extension ng mga LGU.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: , , ,

Metro Manila at Laguna province, isasailalim na sa MECQ simula Aug. 21-31, 2021

by Erika Endraca | August 20, 2021 (Friday) | 54749

METRO MANILA – Pumapalo sa mahigit 8,000 – 14,000 ang COVID-19 cases sa buong bansa mula nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila noong August 6 hanggang kahapon, August 19.

Sa kabila ng mataas na daily covid-19 cases sa kapitolyo, downgraded na sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang quarantine status sa NCR gayundin sa probinsya ng Laguna simula August 21-31, 2021.

Simula naman sa August 23, sasailalim din sa kaparehong community restrictions ang Bataan na kasalukuyang nasa ECQ pa.

Gayunman, dapat magpatupad ng istriktong granular lockdowns sa NCR, Laguna at Bataan kung kinakailangan.

Inaatasan naman ang mga lokal na pamahalaan sa mga lugar na ito na paigtingin pa ang kanilang vaccination efforts, gayundin ang prevent-detect-isolate-treat-reintegrate o pditr strategies at ang pagpapatupad ng minimum public health standards.

Sa ilalim ng MECQ, hindi pa pinapayagan ang operasyon ng indoor at al-fresco dine-in services, personal care services gaya ng beauty salons, parlors, barbershops at nail spas.

Mananatili ring virtual ang religious gatherings.

Samantala, ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, hati ang IATF kung dapat bang panatilihin ang ECQ o luwagan na sa MECQ.

Aniya, ito ang kauna-unahang pagkakataon na idinaan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa secret balloting ang desisyon para sa quarantine status sa NCR, Laguna at Bataan.

Ayon sa palace official, ipinunto ng mga sumuporta sa MECQ na kahit ipinatutupad ang pinakamahigpit na community restrictions ay tila hindi na umano ito gumagana sa mga kababayan kaya dapat na anilang baguhin ang taktika.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , , , ,

More News