Supreme Court, hinimok ng kampo ni dating Sen. Marcos na magtalaga ng hearing officers sa kanyang election protest

by Radyo La Verdad | May 16, 2017 (Tuesday) | 5208


Hiniling ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos sa Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal na magtalaga ng hearing officers upang tumulong sa preliminary conference.

Sa mosyong inihain ni Atty. George Garcia, iginiit ng kampo ni Marcos na mas magiging maayos at mabilis ang pagresolba sa election protest kung magtatalaga ang tribunal ng hindi bababa sa tatlong hearing commissioners.

May tatlong isyu sa protesta ni Marcos: una ang depektibong automated election system; pangalawa ang failure of elections sa maraming lalawigan sa Mindanao;

At pangatlo ang hindi otorisadong pagsingit umano ng Smartmatic ng isang bagong hash code sa transparency server noong araw ng halalan.

Sa June 21 nakatakdang isagawa ang preliminary conference sa protesta ni Marcos sa pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo sa halalan noong nakaraang taon.

(Roderic Mendoza)

Tags: , , ,