Supply ng tubig sa mga taniman sa Bulacan nananatiling sapat sa kabila ng mainit na panahon

by Radyo La Verdad | March 18, 2016 (Friday) | 1766

NESTOR_SAPAT
Pinawi ng Department of Agriculture ang pangamba ng mga magsasaka sa lalawigan ng Bulacan hinggil sa posibleng kakulangan sa supply ng tubig sa panahon ng tag-init.

Ayon kay Gigi Carinio, ang pinuno ng Bulacan Agriculture Office, nananatiling stable ang water level sa Angat at Bustos Dam para sa alokasyon ng tubig sa pananim at palayan sa lalawigan.

Sa kasalukuyan ay nasa 202.68 meters ang water level sa Angat Dam habang nasa 17.18 meters naman ang Bustos Dam na maaaring tumagal hanggang sa panahon ng anihan sa Abril.

Umaasa ang D-A na maraming aanihin ang mga magsasaka ngayong harvest season upang makabawi sa pagkalugi.

Noong nakaraang taon, umabot sa 6,709 hectares ang napinsalang pananim na nagkakahalaga ng 127 million dahil sa kalamidad.

Umaasa rin ang D-A na mananatiling stable ang supply ng tubig sa kabila ng tumitinding epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,