Nagkukulang na ang supply ng tubig sa ilang barangay sa Cebu City dahil sa epekto ng umiiral na dry spell.
Sa ulat ng Metropolitan Cebu Water District, partikular na nararanasan ang water shortage sa mountain barangays ng lungsod.
Tinatayang nasa isang milyong consumers mula Talisay hanggang Cebu ang naapektuhan ng water shortage na naramdaman simula ngayong Marso sanhi ng matinding init.
Umaasa ang MCWD na babalik sa normal ang supply ng tubig pagsapit ng panahin ng tag-ulan.
Tags: el nino phenomenon, ilang bahagi ng Cebu City, supply ng tubig