Supply ng tubig mula sa Maasin dam sa Iloilo, balik normal na

by Radyo La Verdad | May 31, 2016 (Tuesday) | 2073

LALAINE_MAASIN-DAM
Balik normal na ang supply ng tubig mula sa Maasin dam matapos ang sunod-sunod na ulang nararanasan sa probinsiya ng Iloilo.

Ang daily normal water production ng dam sa Maasin Water Treatment Plant ay nasa 24 000 cm. ngunit sa kasagsagan ng tagtuyot ay bumaba ito sa 6000cm per day.

Isa ito sa naging dahilan ng pagkakaroon ng water crisis sa probinsiya maliban pa sa mga nasasayang na tubig dulot ng mga sira at may tagas na mga tubo.

Nasa 35,000 cubic meters ang normal water consumption kada araw sa Iloilo at malaking bahagi ng supply ng tubig ng Metro Iloilo Water District (MIWD) ay nagmumula sa naturang dam.

Kaya naman ikinatuwa ng water district ang pagpasok ng tag-ulan dahil nagbunga ito ng pagbabalik normal sa daily production ng dam.

Dahil sa pagbalik sa normal ng supply ng tubig, unti-unti nang ititigil ang water rationing kada araw.

Samantala maaari nang magamit ang tubig mula sa binuksang Leganes to Ungka water pipeline matapos ito dumaan sa flushing, hydro testing, disinfection, flushing at final potability test.

9000 consumers na gumagamit ng 1cm per day ang kaya nitong susupplyan.

Nanawagan naman ang MIWD sa DPWH maingatan ang kanilang mga tubo lalo na ang mga may tagas upang hindi ma-contaminate ang tubig.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , ,