Supply ng kuryente sa Luzon, balik na sa normal ngayong araw

by Radyo La Verdad | June 14, 2016 (Tuesday) | 3216

KURYENTE
Balik na sa normal ang supply ng kuryente sa Luzon ngayong araw matapos itong isailalim sa yellow alert.

Ito ay dahil sa pagbagsak ng planta ng Pagbilao, Malaya, Sual 1 at Quezon power kahapon.

Ngayon ay mayroon nang mahigit isang libong megawatts na reserbang kuryente ang Luzon subalit patuloy pa rin ang panawagan ng Department of Energy sa publiko na magtipid.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,