Supply ng bigas, sapat sa kabila ng epekto ng El Niño sa mga taniman ng palay sa bansa

by Radyo La Verdad | April 14, 2016 (Thursday) | 4745

REY_NFA
Pang-isang buwan pa ang stock na bigas ng National Food Authority kaya walang dapat na ikabahala ang mga mamamayan.

Sa datos ng ahensya nasa 1.13m metric tons ang nasa mga bodega nito na katumbas ng 22.6m bags.

Ngunit kung isasama pa ang bigas na nasa mga tahanan at nasa private sector ay tatagal pa ito ng siyamnapu’t apat na araw o tatlong buwan.

Ayon sa ahensya, marami paring magsasaka ang nag-ani ng palay sa kabila ng epekto ng El Niño.

Nakahanda rin ang NFA na magpautang sa mga local government unit na apektado ng El Niño gaya sa Region 12.

Sa ngayon ay wala pang indikasyon ang Food Secutiry Council upang mag-angkat ng bigas ngunit binabantayan na nitong mabuti ang produksyon ng palay.

Bago matapos ang taong 2015 ay nag-angkat ang bansa ng 750k metric tons kung saan ang 500k mt ay nai-deliver nitong 1st quarter ng 2016.

Ayon sa NFA, wrong timing din kung ngayon aangkat ng bigas dahil maaapektuhan nito ang presyo ng ani ng mga lokal na magsasaka.

Sa monitoring ng NFA, stable pa naman ang presyo ng commercial na bigas sa merkado na nasa 34-36 pesos ang kada kilo ng regular milled rice habang 37-38 pesos naman ang well milled.

Pambalanse parin ang presyo ng NFA rice dahil nasa 32 lamang kada kilo ang well milled at 27 ang regular.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: , ,