Supply ng bigas sa bansa, aabot ng mahigit sa 3 buwan- NFA

by Radyo La Verdad | June 29, 2016 (Wednesday) | 3313

BIGAS
Tiniyak ng National Food Authority o NFA na sapat ang supply ng bigas ngayong “lean months” o panahon ng pagtatanim ng palay mula Hulyo hanggang Setyembre.

Aabot sa 3.54m metric tons ang national inventory ng bigas na tatagal hanggan 110 days o halos 4 na buwan.

Mahigit sa 1.02m mt ang nasa NFA, 1.4m mt ang nasa commercial at 1.47m mt naman ang nasa mga tahanan.

Nananatili parin sa P27 ang kada kilo ng nfa regular milled rice habang P32 naman ang sa well milled.

Ayon sa NFA, di nila inaasahang tataas ang presyo ng commercial rice subalit kung sakali man ay nakahanda silang magdagdag ng supply sa mga pamilihan upang may mabili na mas mababa ang mga consumer.

Wala pa namang planong umangkat ang pamahalaan at hihintayin pa ang magiging direktiba ng susunod na administrasyon sa magiging polisiya nito sa importasyon.

Nakahanda rin ang nfa kung sakali mang magkaroon ng kalamidad sa bansa gaya ng posibilidad na pagiral ng la niña sa huling bahagi ng 2016.

Sa ngayon ay nasa 10,600 na ang accredited NFA outlet at dadagdagan pa ito upang mas maraming mabilhan ng murang bigas.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: , ,