Suporta ng mga mambabatas, kailangan umano para sa panukalang bumuo ng Benham Rise Dev’t Authority

by Radyo La Verdad | March 30, 2017 (Thursday) | 2056


Muling nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa mga kapwa nito na mambabatas na aksyunan na ang panukalang pagkakaroon ng Benham Rise Development Authority.

Nakapaloob sa Senate Bill No. 312 o Benham Rise Development Authority Act na isinusulong ni Senator Sonny Angara.

Ang BRDA at ang National Economic Development Authority o NEDA ang mangunguna sa gagawing pagsasaliksik at pagaaral sa mga yamang dagat ng Benham Rise.

Ayon kay UP Professor Gabriel Pamintuan Jr, mahalaga na tuklasin na ng pamahalaan kung anong mga depositong mineral ang nasa ilalim nito.

Isa sa natitiyak ni Pamintuan ay may natural gas sa Benham Rise.

Samantala, wala namang nakikitang banta ng pag-angkin mula sa ano mang bansa si National Security Adviser Hermogenes Esperon sa ngayon.

Ngunit iminungkahi nito na gumawa ng matibay na hakbang ang pamahalaan sa claim nito sa Benham Rise.

(Aga Caacbay)

Tags: ,