Mga mambabatas, hinimok ang House Committee on Appropriations na imbestigahan ang kakulangan ng CCTV sa mga paliparan sa bansa

by Radyo La Verdad | December 14, 2015 (Monday) | 4290

AIKO_PLENARY
Nakasaad sa House Bill 2499 na kailangan maglagay ng mga surveillance system at data recordings sa lahat ng domestic at international airports sa bansa.

Ayon kay Party-list Buhay Rep.Mariano Michael Velarde Jr., ang pagkakaroon ng kompleto at sapat na surveillance at monitoring system ay makakatulong sa pagpapanatili ng peace and order at matugunan ang security threats sa bansa.

Inihalimbawa nito ang di umano’y “laglag-bala o tanim bala” sa Ninoy Aquino International Airport at Caticlan Airport na dawit ang mga overseas Filipino workers at domestic tourists.

Ang ganitong isyu ay nagdulot din ng hindi magandang imahe sa bansa.

Ang pagkakaroon din umano ng high resolution CCTV. At digital video recorders sa lahat ng sector sa airports ay makatutulong sa imbestIgasyon ng mga insidente.

(Aiko Miguel / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,