Hindi dapat mag-alala ang publiko sa kabila ng pagsuspinde ng National Food Authority ng kanilang distribution ng NFA rice sa mga palengke sa buong Metro Manila.
Paglilinaw ni Rebecca Olarte, tagapagsalita ng NFA, prayoridad ngayon ng ahensiya pagbibigay ng supply sa mga lugar na nakararanas ng kalamidad tulad ng Albay.
Ang ibang mamimili na nakadepende sa NFA rice, sinasamantalang may nabibili pang mas murang bigas sa merkado.
Malaking bagay anila ang dose pesos na matitipid kapag NFA rice ang binili sa halip na commercial rice.
Nangako naman ang ahensya na ibabalik ang supply ng NFA rice sa merkado sa lalong madaling panahon.
( Rajel Adora / UNTV Correspondent )
Tags: Albay, commercial rice, NFA