Nagsimula na kahapon ang kauna-unahang Sunshine Festival sa Baguio City.
Nakapaloob dito ang iba’t-ibang aktibidad gaya ng arts exhibit, artistic performances, mural painting, art installation competition at iba’t-ibang art workshops.
Tampok din dito ang mga lokal na produkto sa Cordillera, at ang fresh produce na ipinagmamalaki ng rehiyon gaya ng lettuce, brocoli, beans at iba pa.
Highlight naman sa pagdiriwang ang pagpapakilala sa mga local artist sa rehiyon at ang kanilang mga obra.
Ayon sa organizer ng Sunshine Festival malaki ang magagawa ng mga ganitong pagdiriwang upang maipakita sa publiko ang talento ng kanilang mga kababayan.
Ikinatuwa naman ni Wigan Warren Nauyac na tatlong dekada ng pintor at mang-uukit ang pagsuportang ibinibigay sa kanila.
Aniya, magiging madali para sa isang artist ang mag-focus sa kanyang obra kung maraming sumusuporta.
Tatagal ang Sunshine Festival hanggang sa April 16.
Kung magiging matagumpay, target ng organizers na maidaos ito taon-taon.
(Bradley Robuza)