Sa June 11 kasabay ng sine die adjournment ng Senado at Kamara sisimulan naman ang pagbalangkas ng Substitute bill sa draft Bangsamoro Basic Law.
Ngayong araw pormal ng tinapos ng Senate Committee on Local Government ang pagdinig sa BBL.
Ayon kay Senador Ferdinand Marcos Jr. Chairman ng Committee on Local Government bibigyan ng kopya ang bawat senador para sa proposals sa draft BBL.
Ito’y upang mapag-aralan ng husto bago ang pagbabalik sesyon sa July 27.
Sinabi ni Marcos sa pagbuo ng substitute bill kailangang maresolba ang iba’t-ibang isyu ukol sa constitutionality, gayun rin ang usaping administratibo tulad ng power-sharing ng National Government at Bangsamoro Regional Government.
Reresolbahin rin ang ilang problema sa probisyon sa taxation at hatian sa pambansang yaman.
Kanina ay binigyan ng pagkakataon ang mga stakeholder na ibigay ang kanilang mga panig at puna sa Proposed Bangsamoro Entity. (Bryan de Paz/UNTV News)