Sen. Osmeña hindi sasama kung makikipagpulong ang mga Senador kay Pangulong Aquino tungkol sa draft BBL

by Radyo La Verdad | May 26, 2015 (Tuesday) | 3395

sen serge
Hindi sasama si Senador Serge Osmeña the Third kung makikipagdayalogo ang mga Senador kay Pangulong Benigno Aquino the Third ukol sa Proposed Bangsamoro Basic Law.

Ayon sa Senador, naging leksyon na sa kanya nang maakusahan sila noon na na-impluwensiyahan ng Malacanang upang i-impeach si dating Chief Justice Renato Corona.

Giit pa ni Osmenia, mahirap na mapag dudahan ng taongbayan ang kanilang desisyon kung bobotong pabor o hindi sa BBL

Dagdag pa ng Senador, maselan ang panukalang batas kaya dapat ding maingat sa pagpapasa nito lalo’t kapakanan ng bansa ang pinag-uusapan.

Ayon naman kay Senador Ferdinand Marcos Jr., Chairman ng Committee on Local Government, pag-uusapan pa nila kung makikipag dayalogo sila kay Pangulong Aquino.(Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: , , ,