Stock ng NFA rice mauubos na pagdating ng Abril o Mayo – NFA

by Radyo La Verdad 1350 | February 21, 2018 (Wednesday) | 3891

 

Pinangangambahan ng National Food Authority (NFA) ang paubos na suplay ng NFA rice.

Pinangangambahan ngayon ng National Food Authority (NFA) ang paubos na suplay ng NFA rice.

“About 31-32 days mauubos na yung NFA rice, so from April, May, wala na po bigas ang NFA,” ani Jason Aquino, administrador ng NFA.

Sa pagdinig ng Kamara sa isyu ng rice shortage, sinabi ng administrador na pag-aangkat ang solusyong nakikita nila.

Bagay na hindi naman sinangayunan ng National Economic Development Authority (NEDA).

“Immediate importation, yun lang ang immediate na solusyon,” sabi ng Aquino.

“The harvest season is already coming and we did not want the importation come in during the harvest season,” ani Mercedita Sombilla, direktor ng NEDA.

Para naman kay Department of Agriculture (DA) Sec. Emmnuel Piñol maghinay-hinay sa pag-iimport na bigas dahil hindi naman nakikinabang dito ang mga magsasaka kundi ang mga negosyante lamang.

“Pagdating dito ng private sector, initiated importation, hinahalo yan sa bigas na local at pine-presyuhan ng commercial rice, so ano ang pakinabang ng Filipino consumer? At the end of the day, it competes with the Filipino farmers,” ani Piñol.

Isa sa nakikitang long term solution ni Piñol ay ang makarating sa merkado ang mga produkto ng mga magsasaka para lalong dumami ang supply ng bigas at bababa pa ang presyo nito.

Samantala, kinuwestiyon naman ni Butil party list Rep. Cecilla Chavez ang kumposisyon ng NFA council dahil iisa lang daw ang representateng magsasaka doon.

Samantala, 13 rice traders na umanoy nagho-hoard ng bigas sa Metro Manila ang pinangalanan sa pagdinig ng Senate House Committee on Agriculture.

Ipatatawag ang mga ito sa susunod na pagdinig ng kumite upang pagpaliwanagin.

(Grace Casin/UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,