Status Quo Ante order sa Marcos burial, pinalawig ng Supreme Court hanggang Nov. 8

by Radyo La Verdad | October 18, 2016 (Tuesday) | 1992

MARCOS-2
Wala pang desisyon sa ngayon ang Supreme Court sa mga kason kaugnay ng paglilipat ng mga labi ni dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ito’y matapos ipagpaliban ng mga mahistrado ang botohan sa kanilang desisyon sa kaso.

Sa halip ay pinalawig pa ng korte hanggang sa November 8 ang Status Quo Ante order na pumipigil sa libing ni Marcos.

Ayon naman kay dating Senador Bongbong Marcos, maghihintay na lamang sila sa ilalabas na desisyon ng Korte Suprema at ipinauubaya na nila ang pagdedesisyon sa kaso.

Nagpasalamat din ito sa kanilang mga taga suporta na nagtitipon-tipon sa harap ng Supreme Court simula pa kahapon.

Pitong mga petisyon na ang nakabinbin ngayon sa Korte Suprema laban sa Marcos burial dahil bibigyan umano nito ng karangalan bilang bayani si Marcos na ayon sa mga petitioner ay isang diktador at human rights violator.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,