State of Calamity, idineklara sa Bulacan dahil sa mga pagbahang dulot ng Bagyong Lando

by Radyo La Verdad | October 23, 2015 (Friday) | 2208

bulacan state of calamity

Pasado alas dies kagabi ng idineklara ni Bulacan Governor, Wilhelmino Sy-Alvarado ang pagsasailalim sa probinsya sa State of Calamity matapos lumubog sa tubig baha ang apat na bayan ng lalawigan, dulot ng bagyong Lando.

Hindi pa rin humuhupa ang baha sa bayan ng Calumpit, Hagunoy, Pulilan at inaasahang aabutin pa ng isang linggo bago ito tuluyang humupa.

Ayon kay Governor Alvarado gagamiting pang ayuda sa mahigit tatlong daang libong mga residenteng apektado ng mga pagbaha ang Calamity Fund.

Pangunahing kailangan ng mga bulakenyo sa ngayon ang pagkain, malilinis na inumin gamot, damit at iba pa.

Tuloy-tuloy naman ang pamamahagi ng relief goods ng lokal na pamahalaan, subalit hindi umano ito sumasapat sa dami ng mga nasa evacuation center na umaabot na sa 2,229 pamilya o katumbas ng 3,964 individuals.

Sa tala ng PDRRMC, tinatayang nasa mahigit 900 million pesos na ang pinsalang tinamo ng agrikultura sa probinsya.

Mahigit 800 million na ang pinsala sa mga palayan, 70 million naman sa high value crops at mahigit 41 million pesos sa fishery industry.

Sa ngayon wala paring pasok all levels sa private and public school sa bayan ng Calumpit at Hagunoy dahil hanggang ngayon ay lagpas tao ang baha sa mga naturang lugar. (Nestor Torres / UNTV News Correspondent)

Tags: , , , ,