State of calamity, idineklara sa 18 county sa Texas, USA dahil sa pagbaha

by Radyo La Verdad | October 18, 2018 (Thursday) | 14811

Matinding pag-ulan ang naranasan sa Central at South Texas nitong mga nakaraang araw.

Nagdulot ito ng pag-apaw ng ilang pangunahing ilog sa lugar tulad ng Colorado River at nagkaroon ng malawakang pagbaha na nakaapekto na sa labingwalong county sa Estado.

Dahil dito, nagdeklara na ng state of calamity si Texas Governor Greg Abott sa mga apektadong lugar.

Otomatiko namang naalis ang lahat ng restriction at regulation upang makaresponde ang estado sa emergency.

Una nang ipinag-utos ang evacuation sa mga residente sa Kingsland at Marble Falls na malapit sa Colorado River.

Ayon sa mga forecaster, maaari pang lumala ang sitwasyon dahil inaasahang tataas pa ang tubig sa mga ilog ngayong gabi dito.

Nagpaalala naman si Gov. Abott sa mga residente na huwag ipagwalang-bahala ang kaligtasan at ugaliing magmonitor ng mga announcement mula sa mga forecaster at local authorities.

Ayon sa mga forecaster, mahigit one foot of rain ang bumagsak sa Texas sa loob ng 24 oras na nagdulot ng matinding pagbaha.

 

 

Tags: , ,