State of calamity, idineklara ng pamahalaang panlalawigan ng Cavite

by Erika Endraca | November 1, 2020 (Sunday) | 9556

Idineklara na sa ilalim ng State of Calamity ang  lalawigan ng Cavite  dahil sa bagyong Rolly, matapos isagawa ang special session ng sangguniang panlalawigan.

Nasa P10-M quick response fund ng PDRRMO ang gagamitin para sa mga naapektuhan ng bagyo.

Samantala sa Indang, Cavite, nasa 72 individuals o dalawamput limang pamilya ang kasalukuyan munang nasa evacuation sa Barangay Poblacion 3, Indang, Cavite.

Ito’y matapos magsagawa ng force evacuation ang Indang Cavite police sa mga residente na nasa landslide prone area sa naturang bayan.

Layon din nito na matiyak ang kaligtasan ng mga residente sakaling bumuhos ang malakas na ulang dala ng bagyong Rolly.

(Benedict Samson | UNTV News)

Tags: