State of calamity, ideneklara na sa Sta. Barbara, Iloilo dahil sa pinsalang idinulot ng El Niño sa lugar

by Radyo La Verdad | March 17, 2016 (Thursday) | 2875

STA.BARBARA
Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Santa Barbara sa Iloilo dahil sa matinding pinsala ng El Niño phenomenon.

Sa tala ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa siyam naraang ektarya na ng taniman ang naapektuhan ng tagtuyot habang umabot na sa mahigit tatlumput dalawang milyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura.

Ilalaan ang walong milyong pisong calamity funds sa water distribution at pagbili ng hybrid rice seeds, certified rice seeds at mga binhi ng mais at mga gulay at iba pang alternative crops.

Una nang nagdeklara ng state of calamity ang probinsya ng guimaras dahil sa epekto ng El Niño.

Tags: , , ,