Special Bids and Awards Committee 1 inirekomendang i-award sa Smartmatic ang kontrata para sa lease ng 70,977 OMR Machines

by Radyo La Verdad | July 29, 2015 (Wednesday) | 1362

COMELEC
Matapos ang isinagawang post qualification stage ng Special Bids and Awards Committee 1 o ang masusing pagsusuri sa bid proposal at mga dokumento ng Smartmatic para sa lease ng 70,977 new OMR Machines, inirekomenda ng SBAC 1 sa Comelec en banc na i award sa nasabing kumpanya ang kontrata.

7.8 billion pesos pesos ang approved budget para sa proyekto.

6.2 billion pesos ang financial bid proposal ng smartmatic.

Tinalo nito sa bidding ang Indra Sistemas na nagsumite ng non responsive bids matapos magsumite ng bid proposal para sa 23,000 OMR Machines at hindi para sa 70,977 voting machines.

Ngunit hindi muna mag lalabas ng notice of award ang Comelec para sa Smartmatic dahil hihintayin muna ng poll body ang resulta ng 2nd round of bidding para sa refurbishment ng mga lumang pcos machine na itinakda ngayong sabado.

Matatandaang 2 opsyon ang tinitingnan sa ngayon ng Comelec, ang pag refurbish sa 81,000 PCOS Machines o ang pagkuha ng mga bagong voting machines.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista bukod sa halaga kasama rin sa ikinokonsidera ng Comelec sa kanilang gagawing pagpapasya ay kung mas mabilis ba at mas maasahan ba ang mga nirefurbish na makina o ang mga bagong gawang voting machines.

Tags: