COMELEC Chairman Andres Bautista, hindi magbibitiw sa pwesto

by Radyo La Verdad | June 28, 2016 (Tuesday) | 13679

comelec-chairman-andres-bautista
Magpupulong ngayong araw ang mga miyembro ng COMELEC En Banc upang resolbahin ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Chairman Andres Bautista at ng anim na commissioners.

Nais ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na magkaroon ng executive session at sila na lamang ang mag-usap upang maayos ang problema.

Una nang sinabi ng anim na commissioners sa pamamagitan ng isang memorandum na bigo si Bautista na pamunuan ang komisyon sa iba’t ibang dahilan.

Kabilang dito ang delayed na pagbabayad ng honoraria sa mga guro, hindi agad pagpirma sa mga desisyon sa kaso at ang pagpapasa sa ibang commissioners nang trabahong dapat ay ginagampanan ng chairman.

Subalit itinanggi ni Bautista ang mga paratang at nanindigan na hindi siya magbibitiw sa pwesto.

(Victor Cosare/UNTV Radio)

Tags: