Sa pagsisimula ng 38th ASEAN Inter-Parliamentary Assembly o AIPA nitong Sabado, pagtalakay sa problema sa droga at terorismo ang agad na binigyang prayoridad ni House Speaker Alvarez. Si Alvarez ang kasalukuyang President ng AIPA at ang Pilipinas din ang host country.
Sa pagpupulong na ito, bumuo ang mga delegado mula sa iba’t-ibang bansa sa Asia ng isang polisiya para sa mga kinakaharap na problema sa Rehiyon.
Kabilang sa 10 bansa ang miyembro ng AIPA ay ang Pilipinas, Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Thailand, Singapore at Vietnam.
May mga delegado rin mula sa observing country gaya ng China, Korea, Canada, European Prliament, Russian Federation, Australia, Japan, New Zealand, Papua New Guinea, India at Timor Leste. Kasama rin sa mga isyung pag-uusapan sa AIPA ay ang problema sa human trafficking at disaster preparedness.
Sa closing ceremony ng AIPA sa Martes September 19, inaasahang magbibigay ng talumpati bilang panauhing pandangal si Pangulong Rodrigo Duterte.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: AIPA, Asean, Speaker Alvares