South Korean President Yoon Suk Yeol, binati si Presumptive President Bongbong Marcos sa nagdaang halalan

by Radyo La Verdad | May 24, 2022 (Tuesday) | 10517

Nagpaabot ng pagbati si South Korean President Yoon Suk Yeol kay Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nangunguna sa partial and unofficial count sa nagdaang May 9 elections.

Nakasaad sa sulat ni President Yoon noong May 15 na magpapatuloy ang pagiging matatag at maunlad ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Matatandaang matagal nang naging kaalyado ng Pilipinas ang South Korea pagdating sa diplomatikong pakikipag-ugnayan.

Ito ang naging kauna-unahang bansang nagkaroon ng ugnayan sa lahat ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) mula 1949 at naging key partner sa Korea-ASEAN relations.

Binigyang-diin ng pangulo ang mahalagang papel ng bansa sa makasaysayang Korean War noong 1950’s kung saan mahigit 7,000 mga sundalong kabilang sa Philippine Expeditionary Forces to Korea (PEFTOK) ang tumulong upang makipaglaban sa digmaan.

Umaasa si Yoon na mas lumalim pa ang pagkakaibigan at pagtutulungan ng 2 bansa.

(Daniel Dequiña | La Verdad Correspondent)

Tags: