Sisimulan na mamayang gabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tatlong araw na rehabilitasyon sa Ayala bridge sa Maynila
Dahil dito, isasara ang south bound lane ng Ayala bridge simula alas-10:00 ng gabi na tatagal hanggang 5:00 ng madaling araw sa Linggo
Ipapatupad naman ang two-way traffic sa northbound lane habang nakahanda na rin ang detour signages para sa mga motorista sa lugar.
Target ng DPWH na pataasin ang structural integrity kaya iaangat ng 0.7 metro ang tulay at patitibayin ang mga poste nito sa ilalim, na humina dahil sa madalas na pagbangga dito ng mga barge na dumadaan sa Pasig river.
March 2 sana nakatakdang simulan ang tatlong araw na pagkumpuni sa tulay subalit nakiusap ang Metropolitan Manila Development Authority na iurong ang iskedyul nito kapag natapos na ang pasok sa mga paaralan.
Tags: Ayala bridge, DPWH, Maynila, road closure