Social pension hike para sa Senior Citizens walang pondo sa 2023 budget

by Radyo La Verdad | August 23, 2022 (Tuesday) | 7674

METRO MANILA – Inihayag ngayon ng Department of Budget and Management (DBM) na hindi kasama ang social pension hike sa mga programa ng pamahalaan na napondohan sa ilalim ng 2023 proposed national budget.

Ayon kay Budget Undersecretary Tina Rose Canda, tapos nang balangkasin ang panukalang budget ng bansa sa susunod na taon nang mag-lapse bilang batas ang dagdag pension sa mga mahihirap na senior citizens, kaya’t hindi na ito nakasama sa napaglaanan ng pondo.

August 2 nang mag-lapse bilang isang ganap na batas ang social pension hike, kung saan magiging P1,000 na ang buwanang pensyon na matatanggap ng mga indigent senior citizen.

Base sa pagtaya ng DBM nasa P24.5 billion ang pondong kakailanganin para sa programa.

Bagaman hindi nakasama sa napondohan sa susunod na taon, nangako naman ang DBM na makikipagtulungan sa kongreso upang maremedyuhan ang dagdag pensyon para sa mga senior citizen.

Tags: ,