Tumaas ang kaso ng nabibiktima ng human trafficking sa lalawigan ng Masbate.
Batay sa ulat ng City Social Welfare and Development Office, nasa isangdaan at labing apat ang naitalang human trafficking cases noong 2016 na mas mataas kumpara sa 38 cases noong 2015.
Problema ng CSWDO ang pagsasampa ng kaso laban sa mga illegal recruiter dahil sa kawalan ng ebidensiya.
Karamihan sa mga nabibiktima ng human trafficking ang ating mga kababayang nagmumula sa upland barangays na nais mag-trabaho sa maynila at iba pang mas maunlad na lungsod.
Sa pamamagitan naman ng help desk ng Anti-Trafficking in Person o ATIP ay narerescue ang ilan sa mga biktima pagtungtong ng mga ito sa Masbate City Port.
Katulong din ng CSWDO ang mga vendor at kargador sa pier, pati na ang maritime police sa pagbabantay kontra human trafficking.
(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)
Tags: CSWD, ginagamit na rin sa kaso ng human trafficking sa Masbate, social media
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com