Sumuko sa pamahalaan ang siyam na dating miyembro ng New People’s Army sa Davao Del Sur kasabay ng pagdiriwang ng ika-47 anibersaryo ng grupo kahapon.
Ika-18 ng Marso nang magbalik-loob sa pamahalaan ang may labinlimang NPA members sa Panacan, Davao City.
Noong 2015 naman ay umabot naman sa 365 NPA rebels ang sumuko.
Dahil sa magkakasunod na pagsuko ng npa rebels, naniniwala ang Armed Forces of the Philippines na humihina na ang pwersa ng mga rebelde sa Southern Mindanao.
Tiniyak naman ng AFP na patuloy ang kanilang operasyon laban sa mga rebelde upang mapanatili ang peace and security sa Davao Region.
(Janice Ingente / UNTV Correspondent)
Tags: Davao Del Sur, rebeldeng grupo, Siyam na miyembro ng NPA