CALBAYOG CITY, SAMAR – Binuo ng Philippine National Police (PNP) Eastern Visayas ang Special Investigation Task Group “Aquino” para imbestigahan ang nangyaring shoot-out na ikinamatay ni Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino noong Lunes (March 8).
Ayon sa Eastern Visayas PIO, wala pa sa ngayon na maproprovide na mga kumpirmadong detalye sapagkat titingnan pang maigi ng SITG ang investigative reports ukol sa nangyaring insidente .
Nakatala sa mga initial reports na dalawang groupo ang sagkot sa nangyari, ang groupo ni Mayor Aquino, at groupo ng PNP mula sa IMEG at PDEU na nagsasagawa ng inspeksyon sa mga PNP units sa lugar.
Kasama sa mga namatay sa barilan ang escort ng mayor, driver at dalawang police personel. Samantala, dalawa ang sugatan sa nangyari. Itinatanggi ng IMEG-PDEU na kasama sa mga target nila ang nasabing opisyal at hindi nila alam na pagmamayari nito ang sasakyan.
Hinihinala na ang grupo ni Mayor Aquino ang nagsimula ng barilan, noong binaril ng escort nito ang kabilang sasakyan. Lahat ng natagpuang armas ay mag a-undergo sa forensic examination.
(Jacobsen Aquino | La Verdad Correspondent)
Tags: police report