4 Chinese nationals patay sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Angeles City

by Radyo La Verdad | October 19, 2021 (Tuesday) | 309

ANGELES CITY – Nasawi ang 4 na chinese nationals sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Punta Verde Subdivision, Brgy Pulong Cacutud sa Angeles City Pampanga kahapon (October 18).

Nasa 38 na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P262-M ang nasabat mga suspek ng pinagsanib pwersa ng PDEA RO3, PDEA-IIS, PDEA SES, PDEA NCR, AFP Task Force NOAH, MIG41, NOLCOM, NICA, PDEG NCR, NCRPO-RID, BOC at Angeles City Police Office.

Kinilala ang 4 na chinese nationals na si Cai Ya Bing alias CAI, 29yrs old mula sa Yuncheng City, Shanxi Erbo Ke alis Payat, 34 yrs old mula sa Fujian, Huang Guidong, 43 yrs old at Wuyuan Shen, 41 yrs old na parehong taga Zhang Zhou, Fujian.

(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)

Tags: