Single Parent sa GenSan, natulungan ng Serbisyong Bayanihan para makapagpatuloy sa pagtitinda ng sorbetes

by Erika Endraca | November 26, 2020 (Thursday) | 1823

METRO MANILA – Isa si Mang Dante Sahol, 46 anyos at single parent ang natulungan ng programang Serbisyong Bayanihan.

Daing ni Mang Dante na matulungan siya sa pagpapaayos ng kaniyang karitong pangsorbetes na ginagamit sa pang-hanap-buhay at pagtataguyod ng kaniyang kambal na anak na lalake.

Kaya’t agad tinugunan ng Serbisyong Bayanihan ang daing ni Mang Dante at agad itong napaayos.

Ayon kay Mang Dante, tuloy-tuloy na ang kaniyang pagtitinda at natutugunan na niya ang pang-araw-araw nila ng kaniyang anak at nababayaran na niya ang kanilang upa.

Dagdag din nito na gusto niyang ibalik ang tulong na natanggap niya sa kapwa-taong nangangailangan ng tulong.

Matatandaang lumapit si Mang Dante matapos makita ang facebook post ng isang nitizen. Kaya’t kung may nangangailangan maaari natin itong maidulog sa Serbisyong Bayanihan na mapapanood at mapapakinggan sa UNTV at Radyo La Verdad 1350 sa ganap na alas-9 at alas-11 ng umaga at alas-4 ng hapon bilang pagtulong na din sa maliit na paraan.

(Mariane Joyce Marco | La Verdad Correspondent)

Tags: