Singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water, tataas sa susunod na buwan

by Radyo La Verdad | July 31, 2017 (Monday) | 5591


Naaprubahan na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS ang hiling na dagdag singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water. Ang water rate hike ay batay sa Foreign Currency Differential Adjustment o FCDA.

Ito ay isang mekanismo kung saan binabawi o ibinabalik ng mga konsesyonaryo ang nalulugi o kinikita nila bunga ng paggalaw ng piso laban sa dolyar, yen at euro. Dahil humina ang piso ngayong taon laban sa ibang foreign currency, tataas ang singil sa tubig

27-centavo-increased ang naaprubahan ng MWSS sa Maynilad habang 28 centavos na dagdag singil naman sa Manila Water. Sakop ng Maynilad ang mga lugar na nasa west zone ng Metro Manila, gayundin ang ilang lugar sa Cavite gaya ng Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta at Rosario.

Habang sakop naman ng Manila Water ang nasa east zone gayundin ang ilang lugar sa Rizal gaya ng San Mateo, Rodriguez, Antipolo, Cainta, Taytay, Angono, Binangonan, Baras at Jalajala

Ang dagdag singil sa tubig ay epektibo simula August 13 ngayong taon.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,