Singil sa toll ng SCTEX, tataas simula June 14.

by Erika Endraca | June 10, 2019 (Monday) | 4716

MANILA, Philippines – Magtataas ng singil sa toll ang Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) simula sa June 14.

Batay sa inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB), P0.54 per kilometer ang madadagdag sa singil sa SCTEX.

Pagpatak ng  12:01 ng madaling araw ng June 14, ang lahat ng class 1 vehicle mula Mabalacat,Pampanga o Mabiga interchange na bibiyahe hanggang Tarlac.

Bente pesos ang madadagdag sa babayarang toll. 40 pesos naman para sa class 2 na mga sasakyan,habang 60 pesos naman sa class three vehicles.

Samantala, para naman sa mga motoristang bibiyahe sa pagitan ng Mabalacat at Tipo sa Subic, karagdagang 32 pesos ang babayaran sa toll ng class one vehicles. 66 pesos para sa class two, at 98 pesos naman kung class three.
Ayon sa NLEX corporation na siyang nangangasiwa sa operasyon ng SCTEX, taong 2011 pa nang ihain ng Bases Conversion and Development Authority ang petisyon ukol sa toll hike.

(Joan Nano | Untv News)

Tags: