Singapore, umaasa sa lalong pagpapatatag ng economic relation sa PH sa ilalim ng Marcos admin

by Radyo La Verdad | May 31, 2022 (Tuesday) | 18555

Nagpaabot ng pagbati ang Singaporean Ambassador sa pagkapanalo ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Sa pagbisita ni Singapore Ambassador to the Philippines Gerard Ho kay Marcos Jr. nitong Lunes (May 30) natalakay ang ukol sa matagal ng pagkakaibigan ng dalawang bansa at tungkol sa ekonomiya.

Ayon kay Ho umaasa sila sa lalong pagpapatatag sa economic relationship ng Pilipinas at Singapore sa ilalim ng Marcos admin.

“I think with the resumption of cross border travel as well as the message of significant economic reforms in the Philippines, the current administration we are hopeful that we grow this bilateral economic relationship in the Philippines,” pahayag ni Amb. Gerard Ho, Singapore Ambassor to the Philippines.

Kinumpirma rin ni Ho ang imbitasyon ng Singapore kay Marcos Jr. para sa isang state visit.

Bumisita rin kay President-elect si United Kingdom Ambassador to the Philippines Laure Beaufils. Ayon sa UK Ambassador kabilang sa kanilang napagusapan ni Marcos Jr. ang ukol sa ekonomiya, imprastraktura, energy, climate change at peace process.

Handa rin ang UK na tumulong sa pagpapatupad ng rule of law sa West Philippine Sea.

Personal ring nagpaabot ng pagbati ang Ambassadors mula sa France at European Union ngunit hindi na sila nagpaunlak pa ng panayam sa media.

Samantala sa panayam sa programang Politiskoop, ipinaliwanag ni Retired Political Science Professor Clarita Carlos na layon lamang ng courtesy calls na i-renew ang magandang pakikipag-relasyon sa Pilipinas sa ilalim ng bagong liderato.

Ayon pa kay Professor Carlos, hindi pa rito matatalakay ang detalye sa mga bagong estratehiya ukol sa foreign policy at mangyayari lamang ito kapag ganap nang nakaupo bilang Pangulo si Marcos.

“I think it’s really about renewing the friendship with India, with Europe, with Germany, and China etc. like that, wala pa syang mga policy discussion kasi ‘yan ay mangyayari in another venue and kapag nakaupo na si President sa June 30, and you are correct the Secretary of Foreign Affairs I am there, I will not articulate policies and ang gagawa ng foreign policies the chief architech is President Bongbong Marcos,” pahayag ni Prof. Clarita Carlos.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: , ,