Pagdedeklara ng State of Nat’l Calamity, ‘di pa kailangan — Pang. Marcos Jr.

by Radyo La Verdad | July 28, 2022 (Thursday) | 7622

Wala pang nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para magdeklara ng State of National Calamity, kasunod nang nangyaring major earthquake sa Abra nitong Miyerkules, July 27.

Ayon sa Pangulo, idenedeklara lang ito kapag tatlong rehiyon na ang apektado ng isang kalamidad.

“Generally ang SOP diyan, ang State of National Calamity pagka apektado ang tatlong region, automatic ‘yun. Hindi naman naapektuhan ang tatlo. So far we can say it’s region 1 and CAR, so I dont think its necessary right now to declare a national emergency. However depending on the info that comes back I’m sure marami pa tayong mababalitaan, marami pang mga info na hindi nakarating sa atin, baka mangayari ‘yun, I hope not,” pahayag ni Pang. Ferdinand ‘bongbong’ Marcos Jr.

Tags: , , ,