NDRRMC naka-red alert dahil sa lindol sa Abra at bagyong Paeng

by Radyo La Verdad | October 27, 2022 (Thursday) | 3406

METRO MANILA – Naka red-alert status na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa pagtama ng malakas na lindol sa Abra at ang posibleng maging epekto ng bagyong Paeng.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Asec. Raffy Alejandro  tuloy-tuloy ang assessment ng pamahalaan at pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol.

Pinaghahandaan na rin ang inaasahang pananalasa ng bagyong Paeng na ang tatahakin ay ang mga lugar na sinalanta rin ng mga nagdaang bagyong Maymay, Neneng at Obet.

Inabisuhan na rin ng NDRRMC ang kanilang mga regional offices sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo na magsagawa ng kaukulang paghahanda.

Tags: ,