SIM registration extension, pinagusapan ng DICT at ibang stakeholders

by Radyo La Verdad | April 25, 2023 (Tuesday) | 4565

METRO MANILA – Bukas na, April 26 ang itinakdang deadline ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa pagpaparehistro ng SIM bago ito ma-deactivate.

Gayunpaman nasa kalahati na ang registered SIMs ayon sa ahensiya.

Kahapon (April 24) nagpulong ang DICT kasama ng iba pang attached agencies at 3 Public Telecommunication Entities (PTEs).

Ayon sa DICT, kabilang sa kanilang mga napag-usapan ay kung papaano sosolusyunan ang mga hamon sa pagpaparehistro ng SIM.

Napag-usapan rin ang posibilidad ng pagpapalawig sa SIM registration period.

Ayon sa DICT, hintayin na lang ang kanilang opisyal na announcement tungkol dito.

As of April 23, nasa 82-M pa lang ang registered sim. 49.31% pa lang ito ng 168-M subscribers sa buong bansa.

Muli namang hinimok ng DICT ang publiko na magpa-register na ng SIM para maiwasan ang deactivation.

Tags: ,