Serbisyong Bayanihan, tumugon sa kahilingang tindahan ng mag-asawang taga Pampanga

by Radyo La Verdad | January 27, 2022 (Thursday) | 6889

Inihatid ng Serbisyong Bayanihan (SB) team at ng MCGI Pampanga chapter sa Angeles City nitong Lunes (January 24) ang grocery items para kay tatay Anselmo Magsanoc. Ito ay makakatulong para sa kanilang bubuksang sari-sari store.

Unang nakausap at binisita ng SB team sila tatay Anselmo noong January 19 upang kumustahin at bigyan ng paunang ayuda.

Matatandaang lumapit sa programa si Renalyn Magsanoc asawa ni tatay Anselmo, upang humiling ng isang tindahan,
wala kasing trabaho si nanay dahil hindi pa nag-iisang taong nang siya’y maoperahan at umaasa lang din sila sa lagpas P300 na kinikita ni tatay Anselmo sa kaniyang trabaho.

“Sa unang-una maraming-maraming salamat sa Dios at saka malaking tulong na po ito samin ma’am BH, salamat sa binigay niyo, sa pang araw-araw namin halos yung kinikita ko kulang kaya maraming maraming salamat sa Dios.
At sa bumubuo ng MCGI” ani tatay Anselmo Magsanoc.

Sa Brgy. Pampang, Angeles City, Pampanga naman kasalukuyang nangungupahan ang mag-asawa kasama ang iba pa nilang kamag-anak.

Samantala, Isa si tatay Anselmo Magsanoc sa apat na napagkalooban ng pampuhunan mula sa programang Serbisyong bayanihan.

(Marc Aubrey Gaad | La Verdad Correspondent)

Tags: