Nakarating sa probinsya ng Albay ang programang Serbisyong Bayanihan upang maghatid ng tulong para sa isang college student at sa ina nito.
Sa lugar ng Polangui Albay, Bicol, pinagkalooban ng munting puhunan upang buhaying muli ang kanilang maliit na tindahan si Jade Ann Sasaluya at ang kanyang pamilya. Bukod sa mga produktong ititinda, binigyan din siya ng tablet upang makatulong sa kanyang online classes.
Isa ang pamilya ni Jade Ann sa labis na naapektuhan ng pandemya. Sabay sabay na nawalan ng trabaho ang kanyang mga kapatid nang magkaroon ng lockdown at unti unting nalugi ang kanilang maliit na sari-sari store.
Sa pamamagitan ng tulong ng Members Church of God International (MCGI) – Montreal Canada, naipaabot ang tulong kay Jade Ann at sa kanyang pamilya.
(Beth Pilares | La Verdad Correspondent)
Tags: Serbisyong Bayanihan